• Skip to content

Anaesthetic Care

Anaesthetic Information | Pre-Operative Questionnaire | Anaesthetist Fees

  • filFilipino
    • arالعربية
    • zh-hans简体中文
    • zh-hant繁體中文
    • enEnglish
    • deDeutsch
    • elΕλληνικα
    • hiहिन्दी
    • itItaliano
    • ko한국어
    • esEspañol
    • viTiếng Việt
  • Impormasyon
    • Ano ang anestisya?
    • Sino-sino ang mga anestesista?
    • Bago ang iyong operasyon
    • Pagkatapos ng iyong operasyon
    • Mga Panganib at komplikasyon
    • Mga madalas na itanong
    • Pahina ng mga impormasyon
  • Talatanungan
    • Sagutan ang talatanungan
  • Bayad
    • Bayad sa anestesista
    • Magtanong tungkol sa presyo
    • Pagbabayad
  • Ang iyong anestesista
    • Ang iyong anestesista
    • Magpadala ng mensahe
    • Magbigay ng feedback

Bago ang iyong operasyon

Bago ang iyong operasyon, may ilang kahingian na dapat mong sundin. Nakalista at inilalarawan ang mga ito sa ibaba:

  • Sagutan ang talatanungan
  • Kumonsulta sa iyong anestesista
  • Palakasin ang iyong katawan at kalusugan
  • Sundin ang mga alituntunin sa pag-aayuno
  • Sundin ang mga tagubilin sa medikasyon

 

Sagutan ang talatanungan

Makikita sa pre-operative na talatanungan sa website na ito ang mga impormasyong dapat malaman ng iyong anestesista para masuri niya nang mabuti ang kalagayan ng iyong kalusugan. Matutulungan nito ang iyong anestesista na maplano ang pinakaangkop na anestesikong prosidyur at mabawasan ang panganib para sa iyo. Interesado ang mga anestesista na malaman:

  • ang iyong kasaysayang medikal (hal. mga problema sa puso, baga at bato)
  • ang mga nagdaan mong operasyon, at kung nagkaproblema ka noon sa anestisya
  • kung may iniinom kang gamot (hal. aspirin, clopidogrel, warfarin), kabilang ang mga herbal na medisina
  • ang uri ng iyong pamumuhay (hal. pag-inom ng alak, paninigarilyo, paggamit ng ipinagbabawal na gamot)
  • ang iyong pisikal na kalusugan kapag gumagawa ng mga normal na gawain (hal. pag-akyat sa hagdan)
  • ang iyong pisikal na kondisyon (hal. paggalaw ng iyong likod at leeg)
  • ang iyong dental na kondisyon (hal. umuugang ngipin, nakabalot o nakapatong na ngipin, mga implant, pustiso)

Dapat mong sagutan nang tapat ang lahat ng tanong – ang lahat ng ito ay para mabawasan ang panganib.

Kumonsulta sa iyong anestesista

Makikipagkita ang anestesista sa iyo bago ang iyong operasyon. Batay sa mga itinugon mo sa talatanungan, maaari ka niyang tanungin ng mga karagdagang tanong at/o sumailalim pa sa mga kaugnay na eksaminasyon. Huwag mag-alala, dahil lahat ng ito ay kailangan upang mas higit na maunawaan ang iyong kalusugan at mabawasan ang panganib.

Sa pag-uusap ninyo, ilalarawan ng iyong anestesista ang proseso ng anestisya, pangangalaga sa sakit pagkatapos ng operasyon, mga potensiyal na komplikasyon at panganib, at bibigyan ka ng pagkakataon upang magtanong. Dapat mo ring ipaalam sa anestesista kung mayroon kang mga isyu tungkol sa pagsasalin ng dugo.

Sa pakikipagkita sa iyong anestesista sa unang pagkakataon, magdala ka ng:

  • listahan ng iyong kasalukuyang medikasyon (kung hindi mo nasagutan nang kompleto ang talatanungan)
  • anumang sulat na natanggap mula sa dati mong anestesista
  • anumang sulat galing sa mga espesyalista para sa operasyong gagawin sa iyo
  • anumang resulta sa pagsusuri sa dugo na isinagawa ng iyong lokal na doktor sa nakalipas na 6 na buwan

Palakasin ang iyong katawan at kalusugan

May ilang bagay na maaari mong gawin para maging mas ligtas ang iyong anestesiko.

  • Magpalakas pa nang kaunti (hal. maglakad nang regular)
  • Tumigil sa paninigarilyo (ideal na huminto 8 linggo bago ang operasyon)
  • Kung sobra ka sa timbang, seryosohin ang pagbabawas ng timbang bago ang iyong operasyon
  • Bawasan ang pag-inom ng alak
  • Iwasan ang anumang uri ng ipinagbabawal na gamot dahil may negatibo itong interaksyon sa mga anestesikong gamot

Sundin ang mga alituntunin sa pag-aayuno

Pinapayuhang mag-ayuno sa pagkain at inumin ang mga pasyenteng tatanggap ng anestesiko, at mahalagang sundin ang mga tagubilin ng anestesista. Ito ay para mabawasan ang panganib ng pagpasok sa baga ng pagkain o likido mula sa tiyan habang wala kang malay. Kung kumain o uminom ka sa panahong ito, ipagpapaliban ang operasyon para sa iyong kaligtasan.

Sa pangkalahatan, isaalang-alang ang sumusunod na mga alituntunin. Gayunpaman, mahalagang sundin ang mga tagubilin ng iyong anestesista, na maaaring mag-iba depende sa pasyente at prosidyur.

  • Huwag kumain (kasama ang gatas) 6 na oras bago ang operasyon
  • Huwag uminom ng anumang inumin 4 na oras bago ang operasyon
  • Huwag uminom ng tubig 2 oras bago ang operasyon

Sundin ang mga tagubilin sa medikasyon

Patuloy na inumin ang mga nauna nang iniresetang gamot ngunit ipaalam sa iyong anestesista at sa mag-oopera kung ano-ano ang mga ito.

Kung kailangan, magbibigay ang anetesista ng mga tagubilin tungkol sa mga medikasyon g maaari mong ituloy bago at/o sa araw ng iyong operasyon. Kasama rito ang, ngunit hindi limitado sa:

  • mga pampalabnaw ng dugo tulad ng aspirin (Astrix, Cartia), clopidogrel (Plavix, Iscover), at warfarin, na maaaring ipatigil hanggang 10 araw bago ang petsa ng iyong operasyon
  • insulin o tabletas para sa mga pasyenteng may diabetes, na hindi maaaring inumin sa araw ng operasyon
  • non-steroid na gamot na pantanggal ng pamamaga, na hindi maaaring inumin hanggang 2 araw bago ang operasyon
  • mga produktong herbal, na maaaring ipatigil hanggang 2 o 3 linggo bago ang operasyon

Kailangan mong kausapin ang iyong anestesista tungkol sa pagtigil at pagsisimula ng naturang mga gamot.

Paminsan-minsan, maaaring resetahan ang mga pasyente ng mga gamot (tulad ng anti-reflux na gamot) na iinumin sa gabi bago ang operasyon at sa umaga ng araw ng operasyon.

Sa araw ng operasyon, inumin lamang ang ihinabilin at/o iniresetang mga gamot kasabay ng kaunting tubig, at iyong ibinilin lamang ng anestesista ang inumin (na may kasamang kaunting tubig kung kailangan) kulang-kulang na dalawang oras bago ang operasyon.

INFORMATION

What is anaesthesia?

Who are anaesthetists?

Before your operation

After your operation

Risks and complications

Frequently asked questions

Information sheets

QUESTIONNAIRE

Pre-operative questionnaire

FEES

Anaesthetist fees

Request quote

Pay fees

YOUR ANAESTHETIST

View profile

Send message

Give feedback

SURGEONS / HOSPITALS

Request an anaesthetist

ANAESTHETIC CARE

About us

Contact us

Terms and conditions

Privacy policy

Anaesthetists login

Anaesthetists join

 

Anaesthetic Information   |   Pre-Operative Questionnaire   |   Anaesthetist Fees   |   Patient Experience Survey  

Copyright © 2023   Anaesthetic.Care - All Rights Reserved