• Skip to content

Anaesthetic Care

Anaesthetic Information | Pre-Operative Questionnaire | Anaesthetist Fees

  • filFilipino
    • arالعربية
    • zh-hans简体中文
    • zh-hant繁體中文
    • enEnglish
    • deDeutsch
    • elΕλληνικα
    • hiहिन्दी
    • itItaliano
    • ko한국어
    • esEspañol
    • viTiếng Việt
  • Impormasyon
    • Ano ang anestisya?
    • Sino-sino ang mga anestesista?
    • Bago ang iyong operasyon
    • Pagkatapos ng iyong operasyon
    • Mga Panganib at komplikasyon
    • Mga madalas na itanong
    • Pahina ng mga impormasyon
  • Talatanungan
    • Sagutan ang talatanungan
  • Bayad
    • Bayad sa anestesista
    • Magtanong tungkol sa presyo
    • Pagbabayad
  • Ang iyong anestesista
    • Ang iyong anestesista
    • Magpadala ng mensahe
    • Magbigay ng feedback
FAQ

Mga madalas na itanong

Anong mga pagsasanay mayroon ang aking anestesista?

Ang anestesista ay isang doktor na sumailalim sa kompletong pagsasanay-medikal at pagkatapos ay nakakompleto ng hindi bababa sa limang taon na espesyalistang pagsasanay. Nagbibigay ito sa kaniya ng kakayahang isagawa ang mga teknikal na aspekto ng anestisya at pamahalaan ang lahat ng mga elemento ng pangangalaga sa pasyente, kabilang na ang pagtugon sa mga medikal na komplikasyon.

May hiwalay bang bayad para sa aking anestisya?

Oo, ang serbisyo sa anestisya ay hiwalay na serbisyo sa iyong operasyon dahil ibang espesyalista ang magsasagawa nito, kaya iba ang bayad sa kaniya at sa doktor na mag-oopera.

Depende sa uri ng iyong health insurance, maaaring sagutin nang buo ng iyong insurance ang halaga ng serbisyo sa anestisya o maaaring manggaling ito sa iyong bulsa. Ipaaalam sa iyo ang mga babayaran mo sa anestisya bago ang operasyon. Kausapin mo ang iyong anestetista kung mayroon kang katanungan tungkol sa bayarin.

Ligtas ba ang anestisya?

Napakaligtas ng pagpapaanestisya sa Australia. May mga pagsulong na sa pagmomonitor, mga kagamitan, medikasyon, pagsasanay, at pagsasaliksik. Nag-aambag sa kaligtasan ang lahat ng mga salik na ito. Gayunman, mas mapanganib ang ilang medikal na kondisyon at prosidyur kaysa sa iba, kaya kung may mapapansing kakaiba, tatalakayin ito sa iyo bago ang operasyon. Maaari kang matuto nang higit pa tungkol sa panganib at komplikasyon dito.

Ano ang ginagawa ng anestesista habang tulog ako?

Babantayan ka ng iyong anestesikong grupo na binubuo ng anestesista, anestesikong nars, at anestesikong registrar (opsiyonal) sa lahat ng oras. Hindi ka nila iiwan hanggang magising ka nang ligtas mula sa iyong anestesiko, pagkatapos ay ililipat ka na sa recovery room at sa pangangalaga ng nars.

Habang isinasagawa ang iyong operasyon, minomonitor ng anestesista ang lahat ng mahahalagang function ng iyong katawan upang masiguro na ikaw ay ligtas at tulog. Tutugunan nila ang anumang sitwasyon at kung kailangan, magsasagawa ng pagsasalin ng dugo, halimbawa. Bibigyan ka rin nila ng pantanggal ng kirot at mga gamot upang lunasan ang pagkahilo at pagsusuka para magising ka nang komportable hanggang maaari.

Makakaramdam ba ako ng sakit habang inooperahan ako?

Sisiguruhin ng iyong anetesista na wala kang mararamdamang sakit habang isinasagawa ang prosidyur at bibigyan ka ng pantanggal ng sakit upang maging komportable ka hanggang maaari kapag natapos na ang iyong anestisya. Depende sa uri ng operasyon at pasyente, makadarama ang ilang pasyente ng higit na pagkabalisa kompara sa iba pagkatapos na pagkatapos ng operasyon. Gayunman, makaaasa kang lagi kang may akses sa mga angkop na pampahupa sa kirot upang masiguro ang mas komportableng pagpapagaling.

Gaano katagal ang epekto ng lokal na anestesiko?

Depende ito sa uri ng lokal na anestesikong ginamit at ang bahagi ng katawan na pinagturukan nito. Tipikal na tumatagal nang ilang oras ang anestisya ngunit paminsan-minsan, tumatagal ito nang hangang isang araw, pagkatapos ay unti-unti na itong mawala. Mapapansin mo ang pagbabalik ng kilos o paglala ng sakit, kung saan kailangan mong uminom o mabigyan ng pamapaalis ng sakit. Maaari itong isagawa sa pamamagitan ng tableta o ng iniksiyon.

Ano-ano ang mga side effect ng anestisya?

Maaaring mangyari ang pagkahilo at pagusuka at mas karaniwan ang mga ito pagkatapos ng ilang uri ng operasyon. Nangyayari din ang mahabang pagkaantok at maaaring tumagal ito nang isang araw pagkatapos ng proseso. Hindi dapat magmaneho ng sasakyan, gumamit ng mga delikadong kagamitan, o pumirma ng mga importanteng dokumento ang pasyente sa panahong ito.

Posible rin na mamaga ang lalamunan at maaaring tumagal ito nang isa o dalawang araw matapos ang operasyon. Bagaman karaniwan ang mga side effect na ito, hindi delikado ang mga ito. Bihira ang higit na mapanganib na mga side effect. Sinanay ang iyong anestesista na solusyonan ang mga epektong ito, at tatalakayin niya ang mga may kinalaman sa iyo.

Gaano ako katagal mag-aayuno bago ang operasyon at bakit kailangang ko itong gawin?

Ang sumusunod ang mga pangkalahatang alituntunin:

  • Walang pagkain (kabilang ang gatas) 6 na oras bago ang operasyon
  • Walang inumin 4 na oras bago ang operasyon
  • Walang tubig 2 oras bago ang operasyon

Kailangang mag-ayuno upang maiwasan ang aksidenteng pagpasok ng pagkain o likido sa iyong baga. Kung kumain o uminom ka sa oras na ito, maaaring ipagpaliban ang iyong operasyon para sa iyong kaligtasan.

Kailan ako muling makakakain at makakainom?

Sa maraming kaso, makakainom ka na pagkagising at makakakain ka na makalipas ang isa o dalawang oras. Maaari itong mag-iba depende sa uri ng operasyon, at papayuhan ka ng mga kawaning nangangalaga sa iyo.

Maaari ba akong manigarilyo pagkatapos ng operasyon?

Iwasan mo ang paninigarilyo sa loob ng 8 linggo o higit pa bago ang iyong operasyon. Ngunit maaaring hindi ito kayanin ng ilang tao. Magandang pagkakataon ito para kausapin ang iyong doktor tungkol sa mga opsiyon sa pagtigil sa paninigarilyo. Napakahalagang hindi ka manigarilyo 12 oras bago ang iyong operasyon. Sa pamamagitan nito, malaki ang tsansang maganda ang magiging resulta ng iyong operasyon, at mababawasan ang tsansang magkaroon ng mga anestesikong komplikasyon.

Kailangan ko bang inumin ang mga regular na medikasyon ko sa araw ng aking operasyon?

Kailangan mong sabihin sa mag-oopera at sa iyong anestesista ang lahat tungkol sa iyong mga medikasyon, kasama na ang mga over-the-counter at herbal na medikasyon. Papayuhan ka nila kung ano ang patuloy mong iinumin. May mga medikasyong kailangang inumin nang may kasamang kaunting tubig kahit sa panahon ng pag-aayuno. Dapat ihinto o modipikahin ang mga gamot na pampalabnaw ng dugo gaya ng aspirin, clopidogrel, at warfarin at gamot sa diabetes gaya ng metformin, novorapid, lantus, at protaphane bago ang operasyon. Kailangan mo itong talakayin sa iyong anestesista at sa mag-oopera bago ang operasyon.

Makaaapekto ba ang mga herbal na gamot, bitamina, at iba pang supplements sa aking anestisya?

Oo, nakaaapekto ang ilang herbal na gamot at supplements (tulad ng bawang, luya, at fish oil) sa pagdurugo o sa pagkontrol sa presyon ng dugo. Mangyaring talakayin ang anumang produktong ito sa iyong anestesista.
Sending

INFORMATION

What is anaesthesia?

Who are anaesthetists?

Before your operation

After your operation

Risks and complications

Frequently asked questions

Information sheets

QUESTIONNAIRE

Pre-operative questionnaire

FEES

Anaesthetist fees

Request quote

Pay fees

YOUR ANAESTHETIST

View profile

Send message

Give feedback

SURGEONS / HOSPITALS

Request an anaesthetist

ANAESTHETIC CARE

About us

Contact us

Terms and conditions

Privacy policy

Anaesthetists login

Anaesthetists join

 

Anaesthetic Information   |   Pre-Operative Questionnaire   |   Anaesthetist Fees   |   Patient Experience Survey  

Copyright © 2023   Anaesthetic.Care - All Rights Reserved