Bayad sa Anestesista
Hiwalay ang bayad sa serbisyo sa anestisya na hinihingi ng espesyalistang anestesista sa bayarin sa hospital o sa ibang doktor na nangangalaga sa iyo. Maaari kang makakuha ng diskuwento sa ilang bahagi ng iyong bayarin sa anestisya mula sa Medicare at karagdagang bahagi mula sa iyong pribadong health insurance. Kadalasang mayroong kaakibat na gastos mula sa sariling bulsa at ang laki ng ‘gap’ na ito ay lubos na nakadepende sa iyong health insurance at lebel ng iyong mga benepisyo sa insurance. Responsabilidad mong bayaran ang iyong anestesista.
Bakit mayroong ‘gap’?
May kaugnayan sa Commonwealth Medical Benefits Schedule (MBS) o sa Relative Value Guide (RVG) ang bayad sa iyong anestesista. Tumutugma ang MBS sa halagang handang isauli ng pamahalaang pederal sa mga tao para sa serbisyong medikal at hindi nito sinasalamin ang totoong halaga ng serbisyo sa anestisya. Ang tunay na halaga ng serbisyong medikal ay ibinibigay ng Australian Medical Association (AMA), na may mungkahing unit rate na $81.00. Ibinabalik sa lahat ng mamamayan ng Australia ang kanilang ibinayad hanggang 75% ng MBS unit value ($19.80) para sa serbisyo sa anestisya sa mga pribadong ospital. Karaniwang sinasagot ng health insurance ang natitirang 25% ngunit mayroon pa ring naiiwang gap. Sinasagot ng ilang pribadong health insurance ang bahagi ng gap na ito ngunit ang halaga ay iba-iba depende sa health insurer. Karaniwan ding mas malaki ang gap kapag mas mahaba ang operasyon.
Pagbabayad ng iyong bill
Pagkatapos ng operasyon, ipadadala sa iyo ang invoice sa pamamagitan ng email at/o post. Tutukuyin ng iyong anestesista sa invoice ang mga tinatanggap na paraan ng pagbabayad.
Para sa mga pasyenteng walang pribadong health insurance, kailangang ibigay agad ang bayad bago o sa araw ng operasyon.